
Isang matinding rebelasyon ang sasambulat sa bagong episode ng Tadhana: Family Affairs ngayong Sabado, June 21
Para panindigan ang kanyang mag-ina, titira si Jude (Kim Perez) sa bahay ng kanyang kasintahan na si Marnie (Analyn Barro). Pero lingid sa kaalaman ni Marnie, bukod sa kanilang anak ay may iba pang inaalagaan si Jude--ang kanyang Mama Glenda (Maureen Larrazabal).
Matapos ang ilang taong panloloko nina Jude at Glenda, ang mismong ina ni Marnie, sa kanya, ang katotohanan ay tuluyang mabubunyag.
Si Gloria, ang kapatid ng asawa ni Glenda, ang nakadiskubre ng matagal nang pagtataksil at agad itong sasabihin kay Marnie. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, si Marnie mismo ang makakasaksi sa kahindik-hindik na katotohanan--ang kanyang asawa at ina, magkasama sa pagtataksil!
Paano haharapin ni Marnie ang matinding sakit at galit? Maghihiganti ba siya, at paano?
Huwag palampasin ang matinding bangayan, emosyon, at paghaharap sa Tadhana: Family Affairs ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7, at sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube livestream.