GMA Logo Tadhana Family Affairs
What's on TV

Tadhana: OFW, guguho ang pamilya dahil sa lihim ng ina at mister

By Bianca Geli
Published June 27, 2025 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Family Affairs


Ang mismong ina at mister ng OFW na si Marnie (Analyn Barro) ang magiging pinamalaki niyang pagsubok.

Sa Tadhana: Family Affairs, mapapanood ang kuwento ng buhay ni Marnie (Analyn Barro) na inialay niya para sa kanyang pamilya. Nagsasakripisyo siya bilang OFW sa United Kingdom para mabigyan sila ng magandang kinabukasan, ngunit sa kanyang pagbabalik ayhindi pagmamahal kundi pagkakanulo ang sasalubong sa kanya.

Sa isang matinding rebelasyon, nadiskubre ni Marnie ang lihim na relasyon ng kanyang sariling ina at ng mismong mister niya. Sa gitna ng matinding poot at sakit, hindi na siya nagtimpi at ipinahiya niya ang dalawa sa harap ng buong pamilya sa isang reunion na nauwi sa eskandalo.

Hindi kinaya ng ama ni Marnie ang bigat ng balita. Sa gitna ng tensyon at gulo, inatake ito sa puso, isang pangyayaring mas lalo pang nagpapagulo sa sitwasyon ng kanilang pamilya.

May pag-asa pa bang maghilom ang sugatang puso ni Marnie? Kaya pa ba nilang ibalik ang tiwala at pagmamahalan matapos ang lahat?

Huwag palampasin ang mas lalong umiinit na kuwento ng Tadhana: Family Affairs ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din iyo sa GMA Public Affairs Facebook at YouTube channel.