TV

Marian Rivera to star in an episode of 'Tadhana,' directed by Dingdong Dantes

By Gia Allana Soriano

Sa pagtatapos ng season one ng OFW documentary series ni Marian Rivera, nagpasalamat ang aktres sa supportang natanggap ng show. Aniya, "Maraming salamat mga Kapuso for making 'Tadhana' Season 1 a success. Sa ating mga kababayang OFWs saludo po kami sa inyong pagsisikap para maitaguyod ang inyong mga mahal sa buhay."


Sa report naman ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, naikuwento ni Marian ang mga plano nila para sa season two ng show.

Ika ng aktres, "Ito 'yung pagkakataon para magpasalamat tayo sa mga Kapuso natin na walang sawang tumatangkilik sa Tadhana. Sabi talaga namin na kung may kuwento sila na gusto nila i-share sa amin para matulungan sila o magbigay inspirasyon para sa mga kababayan din naming mga OFW talagang bukas kami para sa mga kuwentong 'yan."


Isa sa magiging highlights ng second installment ng show ay ang isang episode na makakasama si Marian sa cast at kung saan ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes naman ang magiging director ni Yan.

Aniya, "'Yun ang pinangako namin basta isa sa mga episodes ngayong August, eh sana makapag-take talaga. Asawa ko 'yung director. Ang arte! Eh, siya naman nagsabing gusto niya. Eh, sige, go."