TV

Matt Evans, mapapanood sa 'Tadhana' ngayong Sabado

By Gia Allana Soriano

Guest actor si Matt Evans sa Tadhana, ang OFW-centered weekly drama anthology ng GMA Network, hosted by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.


Gaganap si Matt bilang isang may kapansanan sa Israel na aalagaan naman ng OFW caretaker na gagampanan ni Lauren Young. Sa una ay ayaw ng binata magpaalaga, ngunit sa huli ay mukhang may mabubuong pag-ibig sa dalawa. Papayag naman kaya ang ina ng binata?


Abangan sa Tadhana ngayong Sabado, 3:15 PM.