TV

Dingdong Dantes, nagbigay ng dahilan kung bakit nag-click ang love team nila ni Marian Rivera

By Gia Allana Soriano

Agad-agad nag-click ang love team nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa MariMar noong 2007. Almost a decade after ay going strong pa rin ang DongYan bilang Kapuso Primetime King and Queen. Ano kaya ang naging sikreto behind their success on-cam?

 

Kuwento ni Dingdong sa isang interview with Lhar Santiago para sa 24 Oras, "Siguro kaya rin kami naging hit bilang magka-partner kasi meron kaming certain harmony pagdating sa working relationship namin. Nagkakaintindihan talaga kami." 

Dagdag pa niya, "Minsan parang tinginan lang, alam na namin."

Ngayon ay kakaibang team-up naman ang gagawin nila para sa Tadhana, kung saan director si Dingdong at si Marian naman ang kanyang aktres. Aniya, dahil sa kanilang nabuong samahan ay mas naging smooth-flowing ang shoot nila para sa special episode na ito. 

Ika niya, "So, akala ko hanggang doon lang 'yun ['yung harmony at working relationship namin] sa on-screen, 'yun pala pwede rin na ako off-screen, tapos siya 'yung nasa harap [ng camera.]"

Dagdag pa niya, "Ngayon ko na-realize na napakalaking bagay na kilala mo 'yung artista mo, alam mo 'yung kanyang capability. Sabi nga nung teacher ko nung high school, 'yung mga guro raw pareho [sa] mga director 'yan. Kumbaga, kung ano'ng meron ka, inilalabas lang nila. Siyempre, bilang kilala kita (ang kanyang asawang si Marian Rivera), alam ko kung ano'ng meron sa 'yo." 

Abangan ang special episode ng Tadhana, malapit na ngayong June!