
Binati ni Lolit Solis ang recent success ng Tadhana. Aniya, "Hindi ko akalain Salve na magtatagal ng ganun kahaba ang Tadhana, ang drama anthology ni Marian Rivera na para sa mga tunay na kuwento ng buhay. Akala ko one or two season okay na, mahaba na ang itinakbo, hindi pala."
READ: Lolit Solis, ipinakilala kung sino si Salve
Nag-celebrate ng unang anibersaryo ang show at dahil dito magkakaroon ng special episode kung saan lead actress si Marian Rivera at director naman si Dingdong Dantes. Ika ni Lolit, "One year na ngayon at ang ganda ng kanilang anniversary offer, si Dingdong Dantes na magiging director ni Marian for one episode. Magsasama sila not as partners kundi artista at director. Ang ganda ‘di ba? Imagine Salve iyon nagbibigay order sa set asawa mo, ang gandang tingnan."
READ: Marian Rivera, nagkuwento kung ano'ng klaseng director si Dingdong Dantes
Tagos sa puso naman ang magiging episode na ito. Dagdag ni Lolit, "Akala ko nga hindi puwede sa mga dramatikong pagganap sila Dingdong at Marian, kasi overly happy sila as a person, parent, at mag asawa. All the good things coming their way, all the love around them. Sobra good karma, kasi nga in real life they are good people, mahal pamilya nila, mabuting anak, kapatid, in-law."
Binahagi rin ni Lolit ang pagiging mabuting ina ni Yan. Kuwento niya, "One thing good pa at domesticated wife si Marian. Her world revolves around her family, lalo na ngayon na ang mundo niya umiikot kay Zia at Dingdong. No wonder pati sa trabaho nila tagumpay, they bring the good karma with them sa trabaho."
Saad pa ni Lolit, "Hay, Tadhana, tagumpay, istorya ng buhay. Happy anniversary, more to come."
This June 23 na ipapalabas ang special episode ng Tadhana.