TV

Mikoy Morales, gaganap bilang isang transgender na OFW sa 'Tadhana'

By Gia Allana Soriano

Gaganap ang Kapuso actor na si Mikoy Morales bilang si Regine, isang transgender na OFW, sa upcoming episode ng Tadhana.

Ayon kay Mikoy, si Regine ang pinakamatanda sa kanyang mga kapatid, pinalaki siya ng isang single and supportive father at nakahanap ng tunay na pag-ibig sa kabila ng discrimination na natanggap niya sa ibang bansa.

Abangan ang pagganap ni Mikoy kay Regine mamaya sa Tadhana, pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko.