TV

WATCH: Dingdong Dantes, sinorpresa ni Marian Rivera sa taping ng 'Tadhana'

By Cara Emmeline Garcia

Bukod sa pagiging husband at pagganap ng kanyang daddy duties, may isa pang trabahong gagampanan si Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang asawa na si Marian Rivera.

Ang role na ito ay ang pagiging temporary host ng Tadhana hanggang makapanganak si Marian.

Sa unang taping ni Dingdong sa nasabing show, sinorpresa ni Marian ang kanyang better half na may bitbit pang cake.

WATCH: Marian Rivera reveals new 'Tadhana' host

Ayon kay Marian, siya daw ang nakaisip na maging host muna ang kanyang mister habang siya ay nasa maternity leave.

“Sabi ko sa kanya, 'Dad, ikaw na ang mag turn-over at ikaw muna ang gumawa ng spiels ko hangga't hindi ako pu-puwede.'”

Hindi rin naman nagdalawang-isip si Dingdong na kuhanin ang role.

Inamin ni Dingdong, “Alam ko kung gaano kahalaga itong show na ito kay Marian.”

“We talk about stories ng ating OFWs and ang dami rin niyang natutunan bilang host nito.”

At hindi lang natatapos ang sorpresa ni Marian kay Dingdong, dahil meron pa siyang isang dala na tunay na magbibigay ngiti sa Primetime King.

Alamin ang isa pa niyang surprise sa chika ni Lhar Santiago:

Marian Rivera takes maternity leave from 'Tadhana'