TV

New normal taping sa 'Tadhana,' silipin!

By Dianara Alegre

Magkakaron na ng bagong episodes ang GMA drama anthology na Tadhana.

Nagsimula na rin ang taping nito para sa unang episode mula nang matigil ang taping ng programa dulot ng COVID-19 pandemic.

Dahil pa rin sa pandemic, hindi na katulad ng dati ang setup sa set at taping ng mga show. Marami na ang nabago gaya na lamang ng bilang ng tao o staff sa set, pag-o-obserba ng social distancing at ng iba pang safety protocols laban sa COVID-19.

Isa sa mga bibida sa fresh epsiodes ng Tadhana ay si Kapuso actress Katrina Halili.

IAT: Katrina Halili sa set ng 'Tadhana'

“Excited ako kasi bagong taping ito ng tadhana, fresh episode nila 'to kaya lahat dito sa set ay new normal. Sa mga eksena namin new normal din. Hindi kami magkakadikit-dikit,” aniya.

Dahil limitado lamang ang staff sa set ay wala na munang kasamang personal assistant ang celebrities at maging makeup artist at iba pang crew ay napapasabak na rin sa pag-arte.

Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang host ng weekly drama anthology kung saan tampok ang makukulay at nakaka-inspire na istorya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Silipin ang new normal taping ng Tadhana, sa ulat ng Unang Hirit.