
Ngayong Sabado sa Tadhana, isang runaway bride ang bida. Sa kabila ng pagsusumikap ni Mariel (Glaiza De Castro), puro kamalian pa rin ang napapansin ng kaniyang boss at fiancé na si Rommel (Jon Lucas).
Ang lahat ng masasakit na salita at pamamahiya ay buong pusong tinatanggap ni Mariel upang hindi masira ang kanilang relasyon. Pero mababago ang lahat nang dumating si James (Dion Ignacio) sa kanilang kompanya.
Sino ang mas pipiliin ni Mariel, ang long-time partner niya o ang bagong pag-ibig na kaniyang natagpuan?
Abangan ang natatanging pagganap nina Glaiza De Castro, Jon Lucas, Dion Ignacio, at Helene "Hipon Girl" Budol sa episode na ito.
Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: The Wedding ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA Network!