GMA Logo Kris Bernal at Jo Berry
What's on TV

Kris Bernal at Jo Berry, mag-aagawan ng asawa sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published May 10, 2022 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal at Jo Berry


Nang maging surrogate mother ni Clarissa (Jo Berry) ang nakababatang kapatid na si Leslie (Kris Bernal), hindi lamang anak kung 'di pati asawa ang paghahatian nila.

Tampok sa Tadhana, ang istorya ng magkapatid na nagroon ng hidwaan dahil sa lalaki at anak.

Matagal nang mag-asawa ang OFW na sina Roel (Mike Tan) at Clarissa (Jo Berry) pero hindi pa rin sila binibiyayaan ng anak.

Nang magpakonsulta sa doktor ay napag-alaman na may sakit sa matres si Clarissa at iisa na lang ang paraan para magkaroon sila ng supling -- ang surrogacy.

Kaya naman magiging surrogate mother ang nakababatang kapatid ni Clarissa na si Leslie (Kris Bernal).

Pero habang abala sa ibang bansa si Clarissa, unti-unti ring inaakit ni Leslie si Roel sa Pilipinas.

Bukod dito, pinalabas ni Leslie sa kapatid at ina na namatay na ang dinadalang sanggol upang tantanan na sila ni Clarissa.

Pero makalipas ang ilang taon ay muling magtatagpo sina Clarissa, Leslie at nawawalang anak nito.

Matupad pa kaya ang pangarap ni Clarissa na maging isang ina?

Panoorin sa Tadhana: