TV

LGBT Couple, emosyonal na nag-perform sa 'Tahanang Pinakamasaya'

By Jimboy Napoles

Proud na nag-perform ang LGBT Couple na sina Maurice Apolito at Kenneth Cal mula sa Balagtas, Bulacan sa “Duet for Love” segment ng Tahanang Pinakamasaya kamakailan.

Sa naturang kilig segment ng noontime show, inawit nina Maurice at Kenneth ang isa sa mga hit song ni Sam Smith na “Lay Me Down.”

Kuwento nina Maurice at Kenneth, kapwa sila hairdresser at ngayon ay halos isang taon na silang magka-live-in dahil mas masaya umano kung sila ay magkasama.

“Meron talaga siyang pakiramdam na parang we jive together. Parang 'pag gusto niya, gusto ko na rin,” ani Kenneth.

Thankful ang dalawa na makapag-perform live sa TV sa pamamagitan ng Tahanang Pinakamasaya dahil naipakita nila ang kanilang pagmamahalan sa buong mundo.

Pero kuwento ni Kenneth, may mga naging adjustment pa rin sila sa kanilang relasyon lalo na pagdating sa kanilang pamilya.

Aniya, “'Yung struggle lang din kasi parang kami na third gender, kunwari mag-uuwi ako ng jowa ko o partner ko, minsan may hiya na baka hindi matanggap na parang baka asiwa sila or minsan asiwa sila kung pa'no pakisamahan.”

Nagpapasalamat naman ang LGBT couple dahil mainit silang tinanggap ng kanilang mga pamilya.

“Nakita ko sa family ko na tinanggap siya and I'm so thankful. 'Yun ang pinaka-thankful ako 'yung acceptance, no judgement, 'yung mapapakita namin na nagmamahalan kaming dalawa,” pagbabahagi pa ni Kenneth.

Nagbahagi naman ng mensahe para kina Kenneth at Maurice ang Tahanang Pinakamasaya host na si Paolo Contis.

“Gusto ko lang pasalamatan kayong dalawa for choosing Tahanang Pinakamasaya. Narinig ko 'yung sinabi mo kanina. Yes, of course tanggap na tanggap kayo rito and we're very very happy na nandito kayong dalawa,” ani Paolo.

Tumutok sa Tahanang Pinakamasaya, Lunes hanggang Biyernes 12:00 p.m., at Sabado 11:30 a.m. sa GMA.