TV

Isko Moreno, may makahulugang mensahe sa 'Tahanang Pinakamasaya'

By Jimboy Napoles

May makahulugang mensahe ang actor-politician na si Isko Moreno sa isa sa mga episode ng “G Sa Gedli” segment ng Tahanang Pinakamasaya kamakailan.

Paalala ni Isko sa mga taong may pinagdaraanan, “Ang buhay, maraming pagsubok. Minsan kapag may nagsasarang pintuan, may nagbubukas na bintana…”

Dagdag pa niya, “Sa bawat pagsubok sa buhay, minsan pinagtitibay lang tayo n'yan. Dahil mayroon pa tayong kahaharapin na mas mabigat pagdating ng araw.”

Ang nasabing quotable message ni Isko ay inilagay niya rin sa kanyang Facebook page para sa kaniyang mga taga-hanga.

“Laging may awa ang Diyos,” caption ni Isko rito.


RELATED GALLERY: Balik-Kapuso na si Isko Moreno, muling kilalanin!


Samantala, matatandaan na naging emosyonal naman si Isko sa episode ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya noong Sabado, March 2.

Si Isko ang siyang naging host ng segment ng programa na “G Sa Gedli,” kung saan naglilibot sila sa iba't ibang lugar at humahanap ng mga taong matutulungan.

Sa huling live episode ng programa, mangiyak-ngiyak si Isko habang nagpapaalam sa mga manonood. Aniya, “234th-day mission accomplished. Sa mga Kapuso namin na aming nabisita sa iba't ibang lugar, sana ay nakapagdulot ng ginhawa ang 'G sa Gedli' sa bawat isa sa inyo. Mahal na mahal po namin kayo.”

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na official statement ang TAPE Incorporated tungkol sa pagtatapos ng noontime show.