GMA Logo Taskforce Firewall
What's on TV

Napapanahong issue ng online grooming, tampok sa 'Taskforce Firewall'

By Marah Ruiz
Published July 26, 2026 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: NLEX blows past San Miguel to maintain spotless record
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE
Global bartending champion Felice Capasso shares the secret to a world-class cocktail

Article Inside Page


Showbiz News

Taskforce Firewall


Napapanahon ang mga issue na mapapanood sa upcoming episodes ng 'Taskforce Firewall.'

Tampok ang mga napapanahong issue sa episodes ng tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall ngayong linggo.

Isa na diyan ang pagpaplano ng school shooting ng dalawang high school students na bunga ng pambubuyo ng nakausap nila online.

Kasabay nito, hinaharap din ng team ang kaso ng isang child predator na nambibiktima sa online games.

Napapanahon daw na talakayin ang mga isyung ito para sa co-stars na sina Kylie Padilla at Buboy Villar na pareho nang mga magulang.

"It's a very real issue na kailangan talaga mapag-usapan. It's really not safe for kids to be chatting with mga mapagpanggap na tao na might cause them danger," lahad ni Kylie.

"Kailangan mapanood ito, hindi lang ng mga bata, of course, pati ng mga magulang. Marami nang mga masasamang tao. Hindi lang basta nakikita mo lang, nasa social media na 'yan sila kaya mag-ingat. Nasa games na," dagdag ni Buboy.

Dahil sa mga kasong ito, sasabak ang Firewall team sa isang kakaibang misyon.

Mag-a-undercover sila sa isang cosplay convention at magbibihis bilang Encantadia characters para tugisin ang mga tao sa likod ng online grooming ng mga bata.

Patuloy na panoorin Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras dito: