
Memorable ang first guesting ng chinito heartthrob na si Manolo Pedrosa sa Kapuso talk show na Taste Buddies kung saan naka-bonding niya ang hosts nito na sina Solenn Heussaff at Gil Cuerva.
Sa chikahan ni Manolo kay Solenn, naikuwento nito na perfect sa kaniya ang pagbisita nila sa isang resto na nago-offer ng Japanese shabu-shabu, dahil nagki-keto diet siya para mas lalong mapaganda ang katawan.
Kuwento ng Kapuso actor, “For me it works super effective, like ako kasi matabain.”
Ibinahagi din ni Manolo na nararamdaman niya ang suporta ng buong management ng Kapuso Network matapos siya pumirma ng kontrata dito.
Paliwanag niya, “You know masaya kasi very warm 'yung welcome nila. Also that na binigyan nila ako agad ng trabaho, so I'm very grateful na I'm back at working after being two years of being gone.”
Panoorin ang buong panayam niya sa episode ng Taste Buddies last November 24.