TV

Rabiya Mateo, makikipagkulitan kasama sina Tekla at Buboy Villar sa 'TBATS'

By Dianne Mariano

Nonstop tawanan at saya ang hatid ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo dahil makakasama natin ang beauty queen at Sparkle actress na si Rabiya Mateo.

Sasabak sina Rabiya, Tekla, at ang guest co-host na si Kapuso star-comedian Buboy Villar sa “Bawal Tumawa Newscast,” kung saan babasahin nila ang lahat ng nakalagay sa teleprompter sa unang pagkakataon.

Sa tuwing matatawa ang isa sa kanila sa challenge na ito, madadagdagan ang kanilang points sa laugh counter. Haharap naman sa punishment ang mayroong pinakamaraming bilang ng tawa.

Ngayong linggo, mapapanood sa TBATS si Buboy bilang guest co-host habang ang host na si Boobay ay nagpapahinga. Babalik ang komedyante sa kanyang hosting duties sa Hunyo.


Sasabak din ang Miss Universe Philippines 2020 sa suspense-filled segment na “Phone Raid,” kung saan babasahin ng hosts ang random text messages mula sa cellphone ng guest celebrity.

Ano-ano kaya ang mga malalaman ng hosts?

Bukod dito, ibabahagi rin ni Rabiya ang limang linyang binibitawan ng nanay kapag galit sa “TBATS Top 5.”
Mapapanood din ngayong Sunday ang ilang Sparkle Teens na sina Bryce Eusebio, Waynona Collings, Liana Mae, at John Clifford. Sasalang ang Kapuso teen stars sa special edition ng food guessing game na “Food or Fake.”

Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (May 28) 10:40 p.m. sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

SAMANTALA, TIGNAN ANG STUNNING LOOKS NI RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO.