TV

Boobay, nakatanggap ng heartfelt birthday message mula kay Martin Del Rosario

By Dianne Mariano

Masayang ipinagdiwang ng host-comedian na si Boobay ang kanyang kaarawan sa The Boobay and Tekla Show kamakailan.

Nakatanggap ang TBATS host ng birthday video message mula sa Kapuso actor na si Martin Del Rosario.

Related content: Jaw-dropping photos of multi-awarded actor Martin del Rosario

“Espesyal ang araw na ito dahil may isang taong nagse-celebrate ng kanyang birthday ngayong gabi. Itong taong 'to napakabuting tao, napakabuting kapatid, mabuting anak, nakasipag na talent,” ani Martin.

Dagdag pa niya, “Happy happy birthday sa iyo, Boobay. At ang wish ko sa iyo ay good health kasi importante ang ating kalusugan. And of course, sana mahanap mo na 'yung para sa 'yo. Boobay, happy happy birthday. Tandaan mo na maraming, maraming tao ang nagmamahal sa 'yo. Ingat ka palagi and God bless. Happy birthday.”

Labis ang pasasalamat ni Boobay sa birthday message sa kanya ng aktor.

Aniya, “Maraming maraming salamat kasi hindi ka nagbabago, gano'n ka pa rin. Dati kasi nakakasama ko siya sa mga raket sa Abra noong nagsa-start pa lang kami together. Talagang ano siya, very humble and until now gano'n pa rin siya. Keep it up. Maraming, maraming salamat.”

Nagpapasalamat din si Boobay sa lahat ng bumubuo ng programang The Boobay and Tekla Show. Bukod dito, ibinahagi ng seasoned comedian ang kanyang birthday wish.

“Sana another five years for TBATS 'yun ang wish ko, 10 years, 20 years ganyan. Thank you, Lord,” saad niya.

Isang surprise ang hatid nina Pepita, Tuesday, at Kitkat para kay Boobay dahil sumalang ang komedyante sa “Phone Raid,” kung saan binasa ng guest celebrities ang ilang messages ng huli sa kanyang cellphone.

Ano kaya ang malalaman nina Pepita, Tuesday, at Kitkat mula sa messages ni Boobay? Alamin sa video sa ibaba.

Para sa mas marami pang tawanan, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10: 25 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.