
Nakatanggap ng masayang birthday surprise ang Kapuso comedian na si Tekla sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) kamakailan.
Sa huling bahagi ng nasabing programa, nagsuot ng blindfold sina Boobay, Tekla, at guest stars na sina Angel Leighton, Ella Cristofani, at AZ Martinez dahil kunwaring sasabak sila sa laro na “Aamoyin o Kakainin.”
Lingid sa kaalaman ni Tekla na isang sorpresa ang nag-aantay sa kanya dahil hawak ng Sparkle hunk na si Saviour Ramos ang birthday cake nito.
Related content: Triumphs and challenges of Super Tekla
Masayang binati rin ni Boobay at ng guest celebrities si Tekla sa kaarawan nito. Bukod dito, ibinahagi rin ng komedyante ang kanyang birthday wish.
"Thank you so much TBATS family and GMA, sa lahat ng mga boss. And of course, TBATS sana tatagal pa tayo ng 10 years. Kahit uugod-ugod na tayo, magpapatawa pa rin tayo. Kudos TBATS and thank you so much sa pa-birthday," aniya.
Bago ang birthday surprise ni Tekla, sumalang si Saviour sa matchmaking game na “Pusuan Na 'Yan,” kung saan kailangan niyang pumili ng isang babae na kanyang pupusuan.
Sino kaya kina Miss Sunflower (Angel Leighton), Miss Rose (Ella Cristofani), at Miss Sampaguita (AZ Martinez) ang pupusuan ni Mr. Bubuyog (Saviour Ramos)?
Balikan ang recent episode ng TBATS sa ibaba.
Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV sa oras na 11:05 p.m.