
Puno ng kilig vibes at saya ang hatid ng The Boobay at Tekla Show noong nakaraang Linggo.
Sa naturang episode, sumalang ang Sparkle star na si Shuvee Etrata sa matchmaking game na “Pusuan Na 'Yan,” kung saan tatlong hunks ang sinubukang mapabilib ang aktres gamit ang kanilang charm, wit, at humor.
Ang tatlong nagagwapuhang lalaki ay sina former collegiate basketball varsity Albert Bordeos (Mr. Malambing), Filipino-American Timothy Baccari (Mr. Maalaga), ang grand winner ng Tiktoclock's search for 12 Boys of Christmas, at Sparkle artist na si Sandro Muhlach (Mr. Mapagmahal).
Bago nagsimula ang segment, tinanong nina TBATS hosts Boobay at Tekla si Ms. Valentine (Shuvee Etrata) kung ano ang mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki.
“Gusto ko 'yung may trabaho,” ani Ms. Valentine.
Dagdag na tanong naman ni Boobay, “Ano'ng trabaho?”
“Any trabaho, basta mayroon,” sagot ng magandang searcher.
Sino kaya kina Mr. Malambing, Mr. Mapagmahal, at Mr. Maalaga ang pinusuan ni Ms. Valentine?
Alamin sa video sa ibaba.
Bukod dito, nagsagawa sina Boobay at Tekla ng man-on-the-street interview, kung saan ilang tao ang sinubukang i-translate ang OPM love songs sa Ingles.
Para sa tuloy-tuloy na tawanan, subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.
SAMANTALA, TIGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI SHUVEE ETRATA SA GALLERY NA ITO: