TV

'The Boobay and Tekla Show,' buena mano si Rayver Cruz sa kanilang new and naughty segment

By Cherry Sun

Isang naughty treat ang bagong mapapanood sa The Boobay and Tekla Show, at si Rayver Cruz ang kanilang buena manong special guest.

Rayver Cruz

First time mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, March 24 ang bagong segment na 'Feeling the Blank.' Walang kawala si Rayver sa pagsagot ng mga kontrobersyal at pilyong tanong.

Totoo nga bang bakla ang isa sa mga kasama niya sa Studio 7? Nagsasama na nga ba sila ng taong nag-influence sa kanya na lumipat sa GMA? Ilang taon nga ba siya nang matutong gawin ang isang bagay na madalas ginagawa ng mga boys?

Maliban dito, isa pa sa kapana-panabik at dapat abangan ay ang kanyang sexy dance interpretation sa kantang “Buwan.”

Magsisisi kang palagpasin ang episode na ito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, March 24, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!