TV

Ivan Dorschner, Gil Cuerva at Migo Adecer, makiki-TBATS ngayong Linggo

By Cherry Sun

Magkahalong kilig at saya ang mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 7.

Ivan Dorschner, Gil Cuerva at Migo Adecer

Live na sasagot sa maiinit na mga tanong sina Ivan Dorschner, Gil Cuerva, at Migo Adecer. Walang takot silang haharap sa sexy and naughty segment na “Feeling the Blank.”

'Feeling the Blank:' Rayver Cruz, matagal na raw kasama ang dahilan ng paglipat niya sa GMA

Mapapanood din sa parehong episode si Rocco Nacino na gaganap bilang kakutsaba nina Boobay at Tekla sa 'Pranking in Tandem' segment.

Magsisisi kang palagpasin ang episode na ito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 7, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!