TV

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, kabilang sa dream guests nina Boobay at Tekla sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Isa ang phenomenal actress na si Maine Mendoza sa dream guests nina Boobay at Tekla para sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Boobay, Tekla, at Maine Mendoza

Sa unang season ng TBATS, masaya sina Boobay at Tekla dahil napaunlakan sila ni Marian Rivera na mag-guest sa programa kahit na ipinagbubuntis nito noon ang anak na si Jose Sixto Dantes IV o baby Ziggy.

WATCH: Marian Rivera joins Boobay and Tekla in 'Pranking in Tandem'

Ngayong may panibagong season ng TBATS, inisa-isa nina Boobay at Tekla ang gusto pa nilang makasama.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Tekla, “Siyempre ang box office queen, si Maine Mendoza. Siyempre, isa rin niya sa mga tina-target namin na i-guest sa show.

“'Yan din, Alden Richards. Gusto nga namin sana si Ms. Jessica Soho, siya ang magpa-prank. So far 'yun, si Ma'am Jessica, si Tita Mel [Tiangco], si Tito Mike [Enriquez],” dugtong niya.

Sang-ayon dito si Boobay, pero may ilan pa siyang nais na mag-guest sa kanilang show.

“Siyempre, mga naglalakihang artista kagaya ni Mahal 'tsaka ni Dagul kung pwede sila. Si Mura, ayan. Seryoso,” wika niya.