TV

Gabbi Garcia, mag-aaral ng Muay Thai sa 'TBATS' para sa bagong action series

By Cherry Sun

May comedy na, may action pa! 'Yan ang tiyak na ihahatid ni Gabbi Garcia kasama ang ating fun-tastic duo sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, April 12.

Gabbi Garcia

Si Gabbi ang makikisaya sa "Pranking in Tandem" segment sa TBATS. Magpapanggap siyang mag-aaral ng Muay Thai para sa kanyang pagbibidahang action series.

Triple the fun naman ang mapapanood sa "Feeling the Blank" segment dahil magsasama-sama sina Valeen Montenegro, Lovely Abella at Chariz Solomon para sagutin ang ilang provocative questions.

Nagbabalik muli this Sunday ang nakakatuwang segments na "TBATS on the Street" at "Dear Boobay and Tekla."

Para naman sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody, susundan natin ang kuwento ng magkapatid na sina Judith at Amor na makakadiskobre ng mga gintong barya.

Tuluy-tuloy talaga ang laugh trip kasama ang ating fun-tastic duo! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 12, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!