TV

Ken Chan at Rita Daniela, makiki-'TBATS!'

By Cherry Sun

Ang fun-tastic duo nina Boobay at Tekla may makakasamang isa ring tandem na kinagigiliwan ng lahat. Ang RitKen love team kasi nina Ken Chan at Rita Daniela ang makikisaya sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, August 11.

Rita Daniela at Ken Chan

Biktima nina Ken at Rita ang isang manghuhula mula Quiapo sa 'Pranking in Tandem' segment. Mahulaan kaya nito na ginu-good time lang siya?

Sa 'Whisper Challenge' naman ay hati muna ang #RitKen. Si Boobay kasi ang teammate ni Ken habang sina Tekla at Rita naman ang magkakampi sa larong lip reading.

Samantala, bibisita rin si Jason Abalos sa set ng TBATS. Siya ang maha-hot seat sa 'Feeling the Blank' segment para sagutin ang ilang nakakaintrigang tanong.

Level up din ang tawanan sa 'Dear Boobay and Tekla' dahil makakasama ng fun-tastic duo ang viral sensation na si Omar “Mayor” Punzalan ng 'MayorTV.'

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, August 11, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!