TV

Mark Herras, EA Guzman at Yasser Marta, uupo sa hot seat ng 'TBATS'

By Cherry Sun

Sina Mark Herras, EA Guzman at Yasser Marta ang uupo sa hot seat ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, May 24.

Mark Herras, EA Guzman at Yasser Marta

Hindi makakaligtas sa naughty and controversial questions ang tatlong Kapuso stars lalo na't sila ang makakasama nina Boobay at Tekla sa 'Feeling the Blank' segment.

Samantala, wala ring ligtas si Mika dela Cruz sa 'Pranking in Tandem' segment. Mahuhuli kasi siyang nagnanakaw sa isang ukay-ukay bilang kasabwat ng fun-tastic duo sa panggu-good time.

Dapat ding abangan ang parody ng 'Hoy, Playboy' at ang 'TBATS Horoscope.'

Riot sa katatawanan naman ang mapapanood sa 'TBATS on the Street' sa pagkopya ng mga Kapuso ng iba't ibang animal sounds.

Tuluy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, May 24, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!