TV

Babaeng nagpa-retoke sa 'TBATS,' ginaya ang mukha ni Max Collins? | Ep. 35

By Cherry Sun

Nagpanggap si Max Collins na isang retokada na ginaya ang mukha ng Kapuso actress sa October 13 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Isang caregiver ang biktima ni Max sa 'Pranking in Tandem' segment. Ang aktres, nagpanggap na isang babaeng nagtatago sa pinagkakautangan kaya nagpapalit ng mukha.

Sa parehong episode, nakilala rin ang tatlong little people na kalahok sa 'Maliit Na Malupit 2019.' Sino kaya ang magwawagi kina Daniel Peñaflor, Jr., Romeo Asenjo, Jr., at Alejandro Doron, Jr?

Napanood din ang parody ng Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa kuwentong 'May Forever.'

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!