TV

Boobay, may ka-date na hunk sa kanyang birthday? | Ep. 38

By Cherry Sun

Mas pinabongga ang saya sa November 3 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) dahil birthday celebration ni Boobay! Dahil nasa Australia ang boyfriend ni Boobay, hinanapan siya ng TBATS ng date para sa kanyang birthday. Tatlong hunks ang pinagpilian ng komedyante sa pamamagitan ng isang dating game. Sino kaya ang kanyang mapupusuan?


Sa 'Pranking in Tandem' segment, isang delivery boy naman ang nabiktima ni Juancho Trivino. Para sa kanyang panggu-good time, nagladlad ang aktor na isang bakla. Ano kaya ang magiging reaction ng delivery guy?

Samantala, sa 'Whisper Challenge' naman sumabak ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Anjo Damiles, Ashley Ortega, at Isabelle Ortega.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!

Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!