TV

'Prima Donnas' stars Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan, nagpagalingan sa pag-arte sa 'TBATS'

By Cherry Sun

De-kalibreng aktingan ang ipinamalas ng Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Sofia Pablo, at Althea Ablan sa May 9 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Tinodo nina Jillian, Sofia at Althea ang kanilang acting nang sumalang sila sa 'Roleta ng Kadramahan.' Ano ang mangyayari kung pagsusunod-sunurin nila ang iba't ibang emosyon?

Samantala, nakumbinsi rin ni Rochelle Pangilinan ang dalawang yoga students sa kanyang panggu-good time sa 'Pranking in Tandem.' Ang kanilang yoga session, nauwi sa kakaibang pag-aalay. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang mga nabiktima?

Mabentang-mabenta rin sa TBATS hosts at audience ang pagbisita ng K-Pop group na Saranghae. Ano naman kayang good time ang dala ng tinitiliang Korean trio?

Ang tawanan ay dinala rin nina Boobay at Tekla sa kalsada sa 'TBATS on the Street.'

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!