TV

Dennis Trillo, makiki-'TBATS' ngayong Linggo!

By Cherry Sun

Si Dennis Trillo ang makikipagkulitan kina Boobay at Tekla sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, May 10.

Ipapakita ni Dennis ang kanyang naughty side sa pagsalang sa 'Feeling the Blank' segment. Tuluy-tuloy pa rin ang kanyang kapilyuhan sa kanyang panggu-good time sa 'Pranking in Tandem.'

Bubuhayin naman ng fun-tastic duo ang pinasikat ni Dennis na My Husband's Lover sa pamamagitan ng isang parody. Dadalhin din nina Boobay at Tekla ang saya sa lansangan sa mini game na 'Utakan: Paramihan ng Alam.'

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, May 10, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!