TV

Ruru Madrid, napaiyak ang isang babae sa 'TBATS?'

By Cherry Sun

Isang babae ang hindi inaasahang napaiyak ni Ruru Madrid sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, July 12.

Si Ruru ang nakasama nina Boobay at Tekla sa panggu-good time sa 'Pranking in Tandem' segment ng TBATS.

Nagpanggap ang Kapuso actor na nag-ho-host ng isang home TV shopping show at ang kanyang co-host ang biktima. Ano ang gagawin ng huli kung dahil sa kanya ay madisgrasya si Ruru sa set?

Sa 'Hari ng Tambay 2020,' tatlong walang ginagawa sa buhay ang naglaban-laban para manalo ng sarili nitong bangko at poste para tambayan. Kilalanin sina Edmarc Marcos, Ken Reyes at Emmanuel Espinas.

Nagpakitang-gilas din sila sa aktingan challenge kasama sina Boobay at Tekla.

Sino ang tatanghaling 'Hari ng Tambay 2020?' Alamin:

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.