TV

Pag-amin ng isang babae sa 'Pranking in Tandem' ng 'TBATS,' sosorpresa kina Boobay at Tekla

By Cherry Sun

Tila mababaligtad ang sitwasyon sa 'Pranking in Tandem' segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, May 16. Masosorpresa kasi sina Boobay, Tekla at pati na ng studio audience sa gagawing pag-amin ng isang babae na siya ang tunay na kabit ng lalaking unang beses pa lang niyang nakita.

Maloloka ang fun-tastic duo nang sila ang magkaroon ng “Na-TBATS Ka” moment sa kanilang pranking segment. Sa 'Pranking in Tandem' kasi ay isang babaeng kasabwat ang kinuha para akusahan ang isa pang babae na nang-aahas daw sa mister niya. Hindi nila napaghandaan at mawiwindang ang lahat sa gagawing rebelasyon ng biktima.

Samantala ang StarStruck 7 cuties na sina Radson Flores, Abdul Rahman, Allen Ansay, Karl Aquino, at Kim De Leon ang sasalang sa 'What's In My Pants Challenge.' Magtatagisan ang limang Kapuso stars sa paghula kung anong mga bagay ang ipinasok sa kanilang pantalon, at ang magkakamali ay may tiyak na parusa.

Mapapanood din ngayong Linggo ang Kapuso Mo, Jessica Soho parody tungkol sa isang babaeng nagdesisyong pakasalan ang sarili, at ang paboritong 'TBATS on the Street' kung saan maglalaban ang ilang high school students sa larong 'Jack en Fight.'

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, May 16, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!