TV

Arra San Agustin at Thea Tolentino versus Kyline Alcantara at Therese Malvar sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Muling mapapanood sina Arra San Agustin, Thea Tolentino, Kyline Alcantara, at Therese Malvar sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, April 19.

Magkakaroon ng kampihan sa pagitan ng mga dating bida ng GMA Afternoon Prime sa 'Talas-Salitaan.' Si Boobay ang kakampi ng Inagaw na Bituin stars na sina Kyline at Therese habang si Tekla naman ang teammate ng Madrasta stars na sina Arra at Thea.

Si Sef Cadayona naman ang kasama ng fun-tastic duo sa panggu-good time sa 'Pranking in Tandem' segment. Ang biktima ng Bubble Gang star, isang nagtatrabaho sa waxing salon.

Sa 'TBATS on the Street,' makikipagkulitan sina Boobay at Tekla sa mga tao sa palengke sa pagtanong kung kailan sila huling nasarapan.

Nonstop din ang tawanan sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody tungkol sa paranormal nature ng love doll nina Guy at Pip na si Maria Leonora Theresa.

Samantala, sorpresang eeksena naman sa 'Dear Boobay and Tekla' ang isang Filipino-Australian hunk.

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa mas pinaagang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 19, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!