TV

Andrea Torres at Jason Abalos, makikipagkulitan sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Tiyak ang good time sa inyong Sunday night dahil sina Andrea Torres at Jason Abalos ang makikipagkulitan sa July 5 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS)!

Si Andrea ang sasalang sa larong 'Truth or Charot.' Kung kakabahan ang sexy Kapuso actress sa pagsagot na may nakakabit sa kanyang lie detector test, mas kabado naman sina Boobay at Tekla. Bakit kaya?

Samantala, si Jason Abalos naman ang manggu-good time sa 'Pranking in Tandem.' Makumbinsi niya kaya ang kanyang biktima na sa tunay na buhay ay bakla siya?

Paniguradong sasakit din ang inyong mga tiyan sa kakatawa sa paglabas ng fun-tastic duo sa kalsada para sa 'TBATS on the Street' at sa kanilang pagbibigay ng advice sa 'Dear Boobay and Tekla.'

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, July 5, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!