TV

Barbie Forteza at Julie Anne San Jose, bibida sa 'TBATS' ngayong Linggo

By Cherry Sun

Sagot nina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose ang katatawanan ngayong Linggo, July 26 dahil sila ang bibida sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Pangungunahan ni Barbie ang isang star search audition para sa bagong programa sa Kapuso network. Ano na lamang ang magiging reaksyon ng artista hopefuls kung malaman nilang nasa 'Pranking in Tandem' pala sila?

Samantala, mapapasabak naman si Julie sa isang maintrigang bukingan. Paano kaya niya haharapin ang segment na 'Sasagutin o Kakainin?'

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, July 26, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!