TV

Kakai Bautista, tumanggi sa pangungutang ni Tekla?

By Cherry Sun

Na-good time nina Boobay at Tekla ang tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista sa pranking segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, September 27.

Para sa 'Na-TBATS Ka' segment, sinubukan ni Tekla na mangutang kay Kakai. Noong una ay PhP 1,500 lamang ang hinihiram ng Kapuso comedian kaya't pinaunlakan agad ng Dental Diva ang request nito. Dahil mabilis napa-oo si Kakai, humirit pa si Tekla hanggang PhP 10,000.

Tulungan pa rin kaya siya ni Kakai o tanggihan na siya nito? Panoorin ang buong eksena ng 'Na-TBATS Ka' sa video sa itaas.

Samantala, naging mahigpit naman ang labanan ng Ingles sa segment na 'Don't English Me.' Magkakampi sina Boobay at EA Guzman habang teammates sina Tekla at Divine Aucina, at salitan silang nagpahula ng mga Pinoy movies at songs na isinalin sa English. Magkaintindihan kaya sila?

Panoorin:

Ang dalawang Kapuso stars din ang nakakulitan ng fun-tastic duo sa 'Boobay and Tekla Presents' kung saan gumanap si EA bilang si Hansel at si Divine naman bilang si Gretel.

Panoorin:

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.