
Ang chance na maka-date si Faye Lorenzo, ang bagong riot na dala ng The Mema Squad, at ang emotional moment sa pagitan nina Boobay at Tekla - 'yan ang mga dapat abangan sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, November 8!
Hindi payag si Faye na mapabilang sa SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko! Kaya naman, ang Bubble Gang babe ang magpapa-ibig ng tatlong kalalakihan at pati na ng mga manonood sa kanyang pagsabak sa match-making segment na 'Love Chain Forever.'
Sino kaya sa pagitan ng isang certified oppa, isang hotlete mula Laguna, at isang former teen sensation ang magwawagi sa puso niya?
Ipapakilala na rin ang bagong members ng TBATS fambam, ang The Mema Squad. Paniguradong dagdag-riot ang hatid nina Atak, Jelai Andres, Skelly Clarkson, Jessa Chichirita at Pepita Curtis.
Unang sasabak ang The Mema Squad sa segment na 'Don't English Me.'
Muli ring mapapanood ang mga nakakatuwang videos na ipinadala ng netizens sa 'Pasikatin Natin 'To!'
At bago matapos ang episode, ipapasilip ang naging special birthday celebration ni Boobay kung saan ibinigay niya kay Tekla ang kanyang birthday wish. Makakatanggap din siya ng mga mensahe mula sa kanyang boyfriend na si Kent Juan Resquir at kanyang BFF na si Marian Rivera.
Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, November 8, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
IN PHOTOS: 12 reasons Boobay and Tekla are among today's top comedians