What's on TV

Boobay, nakatanggap ng surprise mula kina Marian Rivera at nobyong Kent Juan Resquir

By Cherry Sun
Published November 10, 2020 1:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Brianna Ang yet to map out future after ending Palarong Pambansa journey with Bacolod
Alex Eala is part of Forbes' '30 Under 30' list
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay


Nagpaabot din ng pagbati ang pamilya ni Boobay at ang kanyang showbiz crush na si Martin del Rosario. Panoorin ang naging reaction ng komedyante sa 'TBATS' dito.

Magkakahalong emoyson ang naramdaman ni Boobay nang sorpresahin siya ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay sa November 8 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Boobay

Nitong Linggo, hindi alam ni Boobay na mayroon palang nakaabang na sorpresa para sa kaarawan niya.

Una ay ipinakilala ang bagong members ng TBATS fambam, ang The Mema Squad na binubuo nina Atak, Jelai Andres, Skelly Clarkson, Jessa Chichirita at Pepita Curtis. Sila ang nakasama ng fun-tastic duo sa paglalaro ng 'Don't English Me.'

Panoorin:

Sinundan ito ng segment na 'Pasikatin Natin 'To!' kung saan nagpadala ng funny home videos ang mga Ka-TBATS. Pero, laking gulat nalang ni Boobay nang mapanood niya sa naturang segment ang video messages ng kanyang pamilya.

Mensahe ng kanyang amang si Tatay Nori, “Happy birthday! Sana marami pang birthday na darating para sa'yo. Mag-ingat dyan. Sana pagbutihin mo ang iyong trabaho para matulungan mo ang iyong mga kapatid. Mahal ka namin.”

Pagbati naman ng kanyang kapatid na si Diana, “Hi, happy birthday! More birthdays to come and more blessings. Sana bigyan ka pa ni Lord ng malakas na pangangatawan para patuloy pa rin 'yung pagpapasaya mo sa ibang tao. At saka sana hindi ka rin magsawa sa pagtulong sa iba. Thank you for everything. We love you so much and we miss you.

Mas naging emosyonal pa si Boobay nang mapanood ang mensahe ng kanyang nobyong si Kent Juan Resquir na kasalukuyang nasa Australia.

Pahayag ng huli, “Hello baby! Happy birthday and happy 8th anniversary. I may not be there on your birthday while you are in isolation or in a restriction but you know that my heart, my love, and my wishes for you have no restrictions. I hope that you stay safe and healthy, and of course, you have to enjoy your birthday. Happy birthday again, I love you.”

Maliban sa kanyang mga mahal sa buhay, nagpadala rin ng pagbati ang kanyang showbiz crush na si Martin del Rosario at ang kanyang BFF na si Marian Rivera.

Ani Martin, “Hi Boobay! Happy birthday! Sana magpatuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng blessings sa buhay mo dahil alam kong napakabuti mong tao. Marami kang natutulungan, marami kang napapasaya.

"Kaya ang wish ko naman ngayong birthday mo, sana safe ka pati 'yung family mo sana safe sa panahon ngayon. And after this lockdown sana makasama kita ulit sa work. I love you Boobay and enjoy your birthday.”

Pagbati naman ni Marian, “Hi my loves, happy birthday to you. I wish you all the best at alam mo namang palagi ako andito para sa'yo at sana magkita tayo soon dahil miss na miss na kita and mag-iingat ka palagi bilang palagi ka nasa trabaho.

"At palagi mong tatandaan, hindi man tayo madalas magkita sa ngayon eh mahal na mahal kita. Mag-ingat ka. God bless you more. I miss you!”

Panoorin ang birthday surprise ng TBATS para kay Boobay sa video sa itaas.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

IN PHOTOS: 12 reasons Boobay and Tekla are among today's top comedians