TV

Tom Rodriguez, magpapakilig sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Sagot ni Tom Rodriguez ang pagpapakilig at pagpapainit sa malamig na pasok ng Pebrero. Ang Kapuso actor kasi ang makakasama ng fun-tastic duo sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, February 7.

Si Tom mismo ang magbubukas ng programa. Haharanahin niya ang audience habang pine-perform ang kanyang single na “Ikaw Ang Sagot.”

Matapos nito, uupo ang Kapuso hunk sa hot seat upang harapin ang naughty at controversial questions nina Boobay and Tekla sa segment na 'Feeling the Blank.'

Susubukan din ng fun-tastic duo at The Mema Squad ang pinagsamang husay ni Tom sa pag-arte at sa musika sa segment na 'Kantalino.'

Bilang pagsalubong naman sa Chinese New Year, tampok sina Boobay and Tekla sa special edition ng 'TBATS on the Street' kung saan huhulaan ng dalawang komediyante ang kapalaran ng makakasalamuha nila.

Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, February 7, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!

Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: