TV

Tom Rodriguez, umaming may gabi-gabing ginagawa kasama si Carla Abellana ngayong naka-quarantine

By Cherry Sun

Inamin ni Tom Rodriguez na dahil sa quarantine ay may sinimulan silang hobby ng kanyang nobyang si Carla Abellana hangga't sa araw-drawing at pagpuyatan na raw nila ito. Isa lang ito sa intriguing revelations ng Kapuso actor sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, February 7.

Si Tom ang umupo sa hot seat ng 'Feeling the Blank' segment kung saan hinarap ng Kapuso hunk ang mga nakakakiliti at kontrobersyal ng tanong nina Boobay at Tekla. Isa sa mga tanong sa kanya ay “Sa isang linggo, ilang beses kayo nag-(blank) ni Carla?”

Humingi muna ng tawad ang aktor sa kanyang nobya bago ihayag ang kanyang sagot.

Aniya, “Sorry mama, bukuhin na kita ah. Gabi-gabi eh. Araw-araw, gabi-gabi eh. Pandemic eh. Noong pandemiya, na-lock in kami eh. Kaming dalawa lang 'yung magkasama. So siyempre parang bored lagi, wala, naging pastime na namin.”

Nagkuwento rin si Tom tungkol sa kanyang pinagseselosan at ibinuking din ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz. Panoorin ang kabuuan ng kanyang rebelasyon sa video sa itaas.

Si Tom din ang nakipagkulitan sa fun-tastic duo at The Mema Squad na kinabibilingan nina Pepita Curtis, Jessa Chichirita, Skelly Clarkson at Ian Red sa paglaro ng segment na 'Kantalino.'

Samantala, isang special edition ng 'TBATS on the Street' ang ginawa nina Boobay at Tekla bilang pagsalubong sa Chinese New Year. Umikot ang fun-tastic duo sa GMA Network compound at hinulaan ang kapalaran ng mga nakasalubong nila.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.