TV

EA Guzman, inalok daw ng PhP 100K sa isang indecent proposal

By Dianne Mariano

Umabot daw sa halagang PhP 100,000 ang indecent proposal kay EA Guzman para lamang pumayag itong makipagkita. Ito ang juiciest revelation ng aktor sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, May 29.

Ang Kapuso hunks na sina EA at David Licauco ang na-hot seat sa “May Pa-PressCon” segment ng TBATS.

Ang Heartful Café hunks na sina EA at David ang na-hot seat sa 'May Pa-PressCon' segment ng TBATS. Simula palang ay inintriga na sila nina Boobay at Tekla kung nakatanggap na sila ng indecent proposals.

Mabilis naman ang kanilang naging pag-amin.

Kuwento ni David, “Siguro dati mas marami, noong medyo mas bata pa ako pero ngayon wala na masyado. I mean siguro kasi iniisip nila na kahit papano may ginagawa na ako sa buhay so hindi naman na sila masyado gumaganun, nagme-message ng indecent proposals. Pero before, dati marami.

“Wala naman, hindi ako masyadong nagre-reply.”

Ganito rin daw ang naranasan ni EA noong nagsisimula pa siya noon. May katapat na pera raw ang imbitasyon na natatanggap niya at minsa'y umabot daw sa PhP 100,000 ang offer.

Wika niya, “Nung nagsta-start ako sa showbiz, 'yung 'Mr. Pogi,' yun, doon maraming nagte-text. Di pa kasi uso 'yung Instagram dati eh. Pero dito lately, wala naman. Kumbaga 'yung iba lang, alam mo 'yun, gusto lang magpapansin. Magbibigay kunwari, may magdi-DM, may digits pero alam mo 'yun, parang ako, dedma.”

Maliban dito, nagkuwento si EA tungkol kay Shaira Diaz at si David tungkol sa kanyang pagiging single. Nagkomento rin sila tungkol sa kanilang kapwa hunks at pati na iba pang nakatrabaho na naka-intimidate sa kanila. Panoorin ang 'May Pa-PressCon' segment nila sa video sa itaas.

Kiniliti rin ng dalawang Kapuso actors ang fun-tastic duo at The Mema Squad na binubuo nina Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red at Skelly Clarkson sa kanilang sexiest ungol.

Sina David at EA rin ang sumalang sa larong charades na tinawag na 'Galaw Galaw.' Manalo kaya ang team ng Kapuso hunks kasama sina Boobay at Tekla o magtagumpay ang The Mema Squad?

Sa segment naman na 'Ang Harsh,' binasa ng fun-tastic duo at The Mema Squad ang mga komento ng bashers tungkol sa kanila.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!

Silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: