TV

Jessica Villarubin, umamin na mas magaling siya kay Jennie Gabriel?

By Maine Aquino

"Dahil ako po 'yung nanalo, ako po 'yung magaling."

Ito ang diretsong sagot ng The Clash season 3 champion na si Jessica Villarubin nang tanungin kung sino ang mas magaling sa kanila ng first runner-up na si Jennie Gabriel.

Inamin ito ni Jessica nang mag-guest sila ni Jennie sa The Boobay and Tekla Show nitong June 13.

Saad pa ni Jessica, magaling rin naman ang kaniyang ka-batch sa The Clash at kaibigan na si Jennie.

"Si Ate Jennie po, grabe, napakagaling din po. As in."

Natatawang sagot naman ni Jennie, "Magaling din ako".

Photo source: The Boobay and Tekla Show

Nilinaw naman ni Jessica na walang kompetisyon sa kanilang dalawa. Saad niya, "Magkaibigan po kami. I love you ate Jen."

Isa pang itinanong nina Boobay at Tekla kung sino ang mas magaling sa kanilang tatlo nina Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco.

Sina Golden at Jeremiah ay ang mga champions ng season 1 and 2 ng The Clash.

Tugon ni Jessica, "Dahil champion po silang dalawa, magagaling po silang dalawa sina Golden at Jeremiah."

Naniniwala raw siya na magkakaiba ang kanilang husay pagdating sa pagkanta.

"Lahat po kami magagaling kasi may iba't ibang galing po kaming tatlo."

Nang papiliin nina Boobay at Tekla ng isa lang na pinakamahusay sa pagkanta, diretsong sinagot ito ni Jessica.

"Ako. I love myself." Saad ng The Clash season 3 champion.

Panoorin ang kabuuan ng segment na "May Pa-presscon" ng The Boobay and Tekla Show sa video sa itaas.

Kapag hindi naglo-load ang video, maaring panoorin DITO.

RELATED CONTENT:

TBATS: Jessica Villarubin, pinagpawisan dahil sa mga boys! | YouLOL

TBATS: Jessica Villarubin, first time makarinig ng ungol? | YouLOL