TV

ALAMIN: Sino nga ba ang Koreanong 'boyfriend' ni Katrina Halili?

By Dianne Mariano

Noong nakaraan na Linggo ay ipinakilala na ni Kapuso star Katrina Halili ang kanyang bagong "boyfriend" na Koreano sa episode ng The Boobay and Tekla Show.

Sino ito? Walang iba kung hindi si Park Seo-joon!

Sa interview segment na “May Pa-Presscon”, ibinahagi ni Katrina na nagsimula ang kanyang hilig sa panonood ng mga Korean drama noong quarantine.

“Kasi noong pandemic, wala nga magawa 'di ba? Na-addict ako sa mga K-drama,” ani Katrina

Ayon sa aktres, humanga raw siya sa angking kagwapuhan ni Park Seo-joon.

Dagdag pa ng Prima Donnas star, “Ayon, tapos napanood ko siya, na-addict ako sa kanya.”

Tinanong naman ng TBATS host na si Boobay kung ano ang nabago ni Park Seo-joon sa buhay ni Katrina.

“Aba nakaka-kilig. Kinilig ako ulit,” sagot ng aktres.

Nakilala si Park Seo-joon sa kanyang angking talento sa pag-arte sa mga korean drama gaya na lamang ng Itaewon Class (2020), What's Wrong With Secretary Kim (2018), Fight For My Way (2017), at Hwarang (2016).

Bago pa ipinakilala ni Katrina ang kanyang secret "boyfriend," nag-post na siya ng kanilang litrato sa Instagram.

Bago pa magtapos ang interview, tinanong din ni Boobay kung ano ang mensahe ni Katrina para kay Park Seo-joon.

Pabiro naman na sagot ng aktres, “Ano ba kayo, huwag na itetext ko na lang. Secret nga ito. I-delete niyo 'to ah, paki-delete!”

Sa kasalukuyan, single ang relationship status ni Katrina Halili at mayroon siyang isang 8-year-old na anak, si Katie Lawrence.

Abangan ang mga susunod na kulitan at kasiyahan sa The Boobay at Tekla Show tuwing Linggo sa GMA Network.

Samanrala, mas kilalanin pa si Kapuso sexy star Katrina Halili sa gallery na ito: