What's on TV

Buboy Villar, inaming posibleng ma-in love kay Kiray Celis

By Jimboy Napoles
Published October 6, 2021 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

buboy villar kiray celis on tbats


Sa guest appearance ng magkasintahang sina Kiray Celis at Stephan Estopia sa 'The Boobay and Tekla Show,' inamin ni Buboy Villar na posible rin siyang ma-in love sa kaibigan niyang si Kiray.

Isa sa trending couple ngayon ay ang magkasintahan na sina Kiray Celis at Stephan Estopia lalo na noong nagpa-tattoo ng mga mata ng aktres ang huli sa kaniyang dibdib.

Sa kanila guest appearance sa The Boobay and Tekla Show, inilahad ng magkasintahan ang mga katangian na nagustuhan nila sa isa't isa.

Unang nagkwento ang boyfriend ni Kiray na si Stephan, “Yung nagustuhan ko talaga sa kaniya ay yung ugali niya. Kasi, totoong tao siya, hindi siya plastik. Kung ano yung lumabas sa bibig niya ayun talaga. transparent siya.”

Bagay na sinang-ayunan naman ng kaibigan ni Kiray na si Buboy Villar, na guest dun sa TBATS.

Aniya, "Sa totoo lang, si Kiray matagal ko nang katrabaho talaga 'yan, as in noong nasa [kabilang network] pa ako. Baby na baby pa lang ako, Kiray na 'yan, kumbaga, idol na 'yan," sabi ni Buboy.

Hindi rin daw imposible na ma-in love siya sa kaibigan dahil sa magandang karakter ni Kiray.

“Kumbaga, mataas ang respeto ko sa babae na 'yan. Kaya sinasabi ko na pwedeng ma-in love nga rin ako kay Kiray, e, kung tutuusin. Legit!" pa-amin ni Buboy.

Agad namang paglilinaw niya, "Hindi dahil sa gusto kitang pagselosin, tol (Stephan), pramis! Puwede ka talagang ma-inlove kay Kiray lalo na kapag hindi mo kasi siya kilala, 'yung iba maiinis sa kaniya, e, kasi 'Bakit ganiyan ka magsalita?' tapos sobrang prangka. Pero maganda 'yung taong ganu'n, kasi alam mong hindi plastik sa'yo." dagdag pa ng Kapuso comedian.

Hindi naman naman nakapagpigil si Boobay na direktang tanungin si Buboy kung may pagsisisi ba ito na hindi niya niligawan si Kiray noon.

"Hindi! Kasi meron na siyang boyfriend, e," sagot naman ni Buboy.

Paliwanag niya "Ang sinasabi ko, okay na 'yung magkatrabaho tayo. I mean, sinusuportahan kita, sinusuportahan mo ako. Andito ako bilang kaibigan mo my friend. Promise!"

Huling naging magkatambal sina Kiray at Buboy sa dating primetime series na Owe My Love, na mapanonood na sa Netflix.

Samantala, bukod sa boyfriend na si Stephan at kaibigan na si Buboy, kilalanin kung sinu-sino pa ang mga lalaki sa buhay ni Kiray dito: