What's on TV

Kiray Celis at Stephan Estopia, ibinahagi ang kanilang love story sa 'The Boobay and Tekla Show

By Dianne Mariano
Published October 7, 2021 10:16 AM PHT
Updated October 7, 2021 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis and Stephan Estopia


Paano nga ba nagsimula ang pagmamahalan nina Kapuso star Kiray Celis at Stephan Estopia? Alamin ang kuwento dito.

Ibinahagi nina Kapuso actress Kiray Celis at ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang kanilang nakakakilig na love story sa episode ng The Boobay and Tekla Show nitong Linggo.

Sa interview segment na may “May Pa-Presscon,” kinuwento ng Kapuso star na nakilala niya si Stephan dahil bestfriend ito ng kanyang kapatid ng mahigit sampung taon.

Photo courtesy: The Boobay and Tekla Show (YouLOL)

Wika ni Kiray, “Nagkakakilala kami kasi bestfriend siya ng kapatid ko for 10 years. Tapos lagi talaga siyang nandoon sa bahay namin pero never kami nag-usap sa sampung taon na 'yon.”

Nang tanungin ni Tekla kung nagkikita ba sila noon sa bahay ng aktres, umoo si Kiray ngunit sinabi na hanggang “hi” at “hello” lamang ang kanilang pag-uusap.

“Hi, hello” lang po. Hindi kasi ako umiinom eh. So, hindi ako sumasabay sa kanila kapag magkakasama sila ng kapatid ko. Akyat kwarto kaagad ako and makwarto lang talaga ako na tao, hindi ako lumalabas,” ani Kiray.

Pabiro namang ibinahagi ni Stephan na ang Kapuso actress raw ang gumawa nag-first move sa kanilang dalawa at sinabing sa larong Mobile Legends, o ML, sila nagkakilala.

Ayon kay Kiray, may isang beses na biglang nagsabi ng hugot si Stephan habang sila'y naglalaro ng ML.

Aniya, “Sabi niya, 'Okay lang matalo sa laro, wag lang sa pag-ibig.'

"Tapos sabi ko sa kanya, eh alam ko na may girlfriend siya noon and ako rin may boyfriend ako noon nung time na nagkakilala kami, 'Ano nangyari? Sobrang hugot ka naman. Buti nakakapaglaro ka na.'”

Noong panahon na iyon, kapwa kagagaling lamang nila sa isang relasyon kung saan pareho silang niloko.

Inilahad rin ni Kiray sa segment na “LoveLagan” na binibigay raw ni Stephan ang lahat ng password nito sa cellphone.

“Gano'n yung tiwala namin sa isa't isa talaga. Kapag may trust ka talaga sa taong mahal mo, wala kang iisipin na masama,” ani ng aktres.

Hindi naman nagpatalo sina Kiray at Stephan sa hugutan at biritan sa nakatutuwang segment na “Hugot Showdown” kasama sina Boobay, Tekla, at Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, Kitkat, at Buboy Villar.

Bago matapos ang masayang gabi, nagwagi ang Team Buboy na binubuo nina Buboy, Boobay, Kiray at Stephan sa “Don't English Me” na mayroong 6 points at natalo naman ang Team Tekla na sina Tekla, Kitkat, Pepita, at Ian dahil nakalimang sagot lamang sila.

Ang saya 'di ba? Abangan ang susunod pang mga nakatutuwang mga kulitan sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, tignan ang mga nakakakilig na larawan nina Kiray Celis at Stephan Estopia sa gallery na ito: