TV

Aira Bermudez at Jopay Paguia, ikinuwento ang kanilang buhay matapos ang SexBomb Girls

By Dianne Mariano

Ibinahagi nina dance floor divas Aira Bermudez-Inovero at Jopay Paguia-Zamora ang kanilang naging buhay matapos mapasama sa girl group na SexBomb Girls sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (November 21).

Photo courtesy: YouLOL (YouTube)

Ayon kay Aira, nasa pinakamasayang moment siya ng kanyang buhay dahil ito'y kinasal na sa asawang si Ronald Inovero.

“Lagi kong sinasabi na ito 'yung happiest na moment sa buhay ko kasi kinasal ako tapos parang fairytale. At saka 'yung naging asawa ko kasi first boyfriend ko,” sagot niya sa segment na “May Pa-Presscon.”

Isa rin sa plano ng kilalang dancer ang mag-migrate sa Australia at tinanong ni TBATS host Boobay kung ano ang nagpasya sa una na manirahan sa naturang bansa.

Pagbahagi ni Aira, “Hindi naman [sa] tinatapos ko 'yung career ko sa pagsasayaw, puwede ko pa naman i-continue 'yan at puwede pa naman ako bumalik dito.

“Doon kasi naka-base 'yung husband ko at saka 'yung family niya sa Adelaide. Gusto ko na kasi magsimula ng family.”

Isang masayang congratulatory greeting naman ang handog nina Boobay, Tekla, at Mema Squad kay Jopay dahil nanganak muli ito noong May 2.

Ipinakilala ng former SexBomb dancer ang kanyang panganay na si Isabelle Alessa at ang bunsong anak nito na si Izabella Ariana.

Nagtapat naman sa dance floor ang Team Jopay, na binubuo nina Boobay, Jopay, Kitkat, at Ian Red, at Team Aira na sina Tekla, Aira, Pepita Curtis at Buboy Villar para sa “Ultimate Dance Challenge.”

Sa larong ito, nagwagi bilang grand champion ang Team Jopay dahil sa kanilang kakaibang groovy moves sa throwback dance hits na “Macarena,” “Lambada,” at “Billie Jeans.”

At syempre bago matapos ang masayang gabi, parehong Team Jopay at Team Aira naman ang nanalo sa nakatutuwang segment na “Don't English Me,” kung saan parehong team ay nakakuha ng six points.

Patuloy na panoorin ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:30 p.m. sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling kilalanin ang dating SexBomb girls na certified mommies na ngayon sa gallery na ito: