TV

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, sasabak sa hot seat sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano

Punong-puno ng kilig at saya ang hatid ng inyong favorite late night habit, ang The Boobay and Tekla Show, ngayong Linggo, JMarch 5, dahil mapapanood dito sina Sparkle sweethearts Mavy Legaspi at Kyline Alcantara!

Sasabak sa hot seat segment na “May Pa-Presscon” ang dalawang Kapuso stars at haharapin ang mga nakaiintrigang tanong tungkol sa kanilang dalawa.

Mapapanood din ang paglalaro nina Mavy at Kyline ng isang compatibility game, kung saan ilalahad ang ilang juicy details tungkol sa kanilang pagkakaibigan.

Ipamamalas naman ng Kapuso artists ang kanilang talento sa komedya sa isang nakatutuwang segment kasama ang Mema Squad.

Bukod dito, nagbabalik ang "Pasikatin Natin 'To,' kung saan mapapanood ang Top 3 funniest home videos na isinumite ng loyal viewers.

Abangan ang kilig-filled at masayang episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (March 5) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MAVY LEGASPI AT KYLINE ALCANTARA SA GALLERY NA ITO.