
Isang mainit at nakatutuwang episode ang hatid ng inyong favorite late night habit, The Boobay and Tekla Show, dahil si sexy Kapuso actress Andrea Torres ang special guest sa darating na Linggo (March 13).
Sa fresh segment na “How Well Do You Know… ANDREA TORRES?” ibabahagi ng aktres ang ilang revealing information tungkol sa kanyang sarili.
Para mas maging exciting, magkakaroon ng intense na kumpetisyon sa pagitan ng dalawang grupo ng The Mema Squad. Ito ay ang The Boys, na binubuo nina John Vic De Guzman at Buboy Villar, at ang The Girls na sina Jennie Gabriel, Pepita Curtis, at Ian Red.
Ang team na makakakuha ng tamang hula sa mga sagot ni Andrea sa multiple-choice questions ang magwawagi!
Samantala, dalawang teams naman ang maghaharap sa bagong musical segment na “The Guess-Sing Game,” kung saan huhulaan nila ang tamang title ng iba't ibang kanta na aawitin nang live ni Jennie.
Mahihigitan kaya ng Team Ganda na sina Boobay, Tekla at Andrea sa pagkanta ang Team Mema na binubuo nina John Vic, Buboy, Ian at Pepita? Abangan lamang 'yan ngayong Linggo sa GMA!
At sa huli, magiging biktima naman si Andrea ng isang prank sa special edition ng “Ang Harsh” dahil mapapaniwala ang aktres na siya'y nagbabasa ng mean tweets pero ang totoo ay gawa-gawa lamang iyon.
Excited na ba kayo? Huwag palampasin ang fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, tingnan ang sexiest photos ni Andrea Torres sa gallery na ito.