TV

TBATS: Kilalanin ang itinanghal na 'Hari ng Tambay 2022'

By Dianne Mariano

Noong nakaraang Linggo (May 22), ginanap ang “Hari ng Tambay 2022,” ang exclusive search para sa talented unemployed Pinoys, sa The Boobay and Tekla Show.

Sa daan-daang jobless Filipinos na nag-audition, tatlong lucky finalists ang sumabak sa iba't ibang rounds ng kompetisyon. Ang tatlong kalalakihan na ito ay self-proclaimed look-alikes nina Ricci Rivero, Kapuso hunk Paul Salas, at seasoned actor Ian Veneracion.

Ito ay sina Rhyan “Z” Narag ng Tondo, Manila, Rico Almirañez ng Santa Maria, Bulacan, at si John Paul “JP” Gorens ng Quezon City.

Matatandaan na ipinamalas ng tatlong contestants ang kanilang talento sa stage. Ipinakita ni Rico ang kanyang pagbi-beatboxing habang isang dance performance naman ang hatid ni JP.

Bukod sa kanila, ipinamalas din ni Rhyan ang kanyang vocal prowess habang nagigitara.

Matapos ang talent portion, sumabak sina JP, Rhyan, at Rico sa question and answer portion, kung saan isa sa Mema Squad, na binubuo nina Jennie Gabriel, Buboy Villar, John Vic De Guzman, Pepita Curtis, at Ian Red, ang nagbigay ng tanong.

Sa announcement of winners, itinanghal bilang second runner-up si JP habang si Rhyan ang nagwagi bilang first runner-up. Ang nanalo naman bilang “Hari ng Tambay 2022” ay walang iba kung hindi si Rico.

Tuloy-tuloy lamang ang tawanan at kulitan sa The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa TBATS tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng The Boobay and Tekla Show noong 2021 sa gallery na ito.