GMA Logo Gays Pangkalawakan in TBATS
What's on TV

Gays Pangkalawakan, magiging bahagi ng 'The Boobay and Tekla Show?'

By Dianne Mariano
Published June 23, 2022 2:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House urges lower remittance and bank transaction fees amid rising fuel costs
Vice mayor in Camiguin nabbed; alleged illegal drugs, gun seized
Heart Evangelista recognized as one of top celeb influencers at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Gays Pangkalawakan in TBATS


Magiging bahagi na kaya ng 'TBATS' ang Gays Pangkalawakan na sina Maja Kubrador, Avatar, Marian Rivermaya at Barbiengot Forteza?

Punong-puno ng tawanan ang episode ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (June 19) dahil ipinakilala ang Gays Pangkalawakan.


Ang quartet na ito ay binubuo ng pageant veterans na sina Maja Kubrador, Marian Rivermaya, Avatar at Barbiengot Forteza.

Photo courtesy: The Boobay and Tekla Show (show page)


Sumabak ang Gays Pangkalawakan sa interview segment na “Team Pangkalawakan Exposed!,” kung saan mas nakilala pa ang bawat isa sa kanila.

Ayon kay Maja, nagkakilala silang apat dahil sa pagsali sa mga beauty pageant. Aniya, “Sa bawat contest, do'n kami nagkakilala.”

Si Maja rin daw ang may pinakamaraming experience sa kanilang lahat pagdating sa mga beauty contest.

Bukod dito, ipinamalas din ng Gays Pangkalawakan ang kanilang mga talento tulad ng pagkanta at pagsayaw.

At s'yempre, sumalang din sina Maja Kubrador, Avatar, Marian Rivermaya at Barbiengot Forteza sa question and answer portion, kung saan isa sa miyembro ng Mema Squad ang nagbigay ng tanong.

Isang special announcement naman ang hatid nina Boobay at Tekla para sa mga guest.

Inansunyo nila na magiging bahagi ng show ang Gays Pangkalawakan bilang regular cast members at tuwang-tuwa ang apat na pageant veterans.

Ngunit, inanunsyo rin ng TBATS hosts at Mema Squad na Na-TBATS Ka! ang Gays Pangkalawakan.

Bago natapos ang masayang gabi, sumabak sa englishan ang apat na guests sa “Don't English Me,” kung saan sila'y nanalo laban sa Mema Squad na sina Jennie Gabriel, Pepita Curtis, Ian Red, at Buboy Villar.

Non-stop talaga ang laugh trip sa The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa TBATS tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.