GMA Logo Ruru Madrid and Bianca Umali
PHOTO COURTESY: rurumadrid8 (IG)
What's on TV

Ruru Madrid, ipinagdarasal na si Bianca Umali na ang nakatakda para sa kanya

By Dianne Mariano
Published November 10, 2022 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Bianca Umali


Si Sparkle actress Bianca Umali na ba ang babaeng nakikita ni Kapuso hunk Ruru Madrid na makakasama niya habambuhay?

Nalagay sa hot seat ang Kapuso actor na si Ruru Madrid sa kanyang guest appearance sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (November 6).

Sa “May Pa-Presscon” segment ng programa, nagkuwento ang former Lolong star tungkol sa kanyang relasyon kay Sparkle actress Bianca Umali.

Isa sa mga tanong para sa aktor ay tungkol sa pagpapakasal. Ayon kay Ruru, hindi kaagad pinagpaplanuhan ang big life events gaya ng pagpapakasal dahil mararamdaman sa puso kung kailan ang tamang oras para rito.


Aniya, “Wala sigurong specific na date or age. Kasi for me 'yung mga bagay na nangyayari, lalong-lalo na 'yung mga big events sa buhay natin, hindi natin 'yan agad-agad puwedeng iplano ahead of time.

“Kasi once na maramdaman mo 'yan sa puso mo na it's time, 'yun na talaga 'yon. Wala nang makakapigil pa do'n.”

Nang tanungin naman si Ruru kung si Bianca na ba ang nakikita niyang babae na makakasama niya habambuhay, sinagot ng aktor ay “sana siya na.”

“Kasi s'yempre napakarami pang puwedeng mangyari sa mga buhay namin. Pero ang dami mga pagsubok pa, for sure, na pagdadaanan kami parehas.

“Pero alam ko naman, based sa mga napagdaanan na namin sa mga nakalipas na panahon, nalampasan namin 'yon. So for sure, malalampasan din namin ulit 'yon,” paliwanag niya.

Ayon pa sa Kapuso heartthrob, ipinagdarasal niya na sana ang aktres ay ang taong nakatakda para sa kanya.

“Sa amin kasi 'yun 'yung tinatawag na pinagpanata. Araw-araw [at] gabi-gabi, pinagpe-pray ko na sana siya na talaga 'yung babae na nakatakda para sa akin.

“Totoo 'yon, walang imposible sa Panginoong Diyos. Once na binigay na 'yan sa 'yo, sa 'yong- sa 'yo na 'yan,” pagbabahagi niya.

Bukod dito, mayroon ding sweet message si Ruru para sa kanyang nobya, “Ikaw ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin sa araw-araw para gumising ako sa araw-araw. Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko kapag napapagod na ako sa trabaho, kapag nawawalan ako ng pag-asa."


Patuloy niya, “Ikaw [ang] nagpapaalala sa akin ng worth ko at ikaw ang nagpapaalala sa akin na maraming taong nagmamahal sa akin. Kaya lagi mong tatandaan, hindi ko man kayang suklian lahat ng mga kabutihan na ginagawa mo sa akin pero unti-unti ipaparamdam ko sa 'yo kung gaano ka ka-importante sa buhay ko."

Nakisaya rin si Ruru kasama ang TBATS cast sa “Birit Showdown” kung saan isa-isa silang bumirit sa kantang “On the Wings of Love.”

Tuloy-tuloy lamang ang laughtrip at saya na hatid ng inyong favorite late night habit! Tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA RURU AT BIANCA SA GALLERY NA ITO.